Advertisers

Advertisers

Hanggang hamon lang ang Duterte

0 99

Advertisers

HANGGANG hamon lang talaga ang mga Duterte. Kapag pinatulan ay kung anu-anong palusot na ang idinadahilan…

Oo! Naghamon si Davao City Representative “Pulong” Duterte sa gobierno na imbestigahan siya sa kanyang multi-billion pork barrel fund, na umano’y hindi makita kung saan nito inilagay.

Pero nang ipatawag siya ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), nagdahilan itong walang kapangyarihan ang executive-appointed body na ipatawag at imbestigahan ang katulad niyang miyembro ng Kongreso.

Si Pulong lang naman ang mambabatas na tumanggi paimbestiga sa ICI, samantalang ang mga kongresista at senador na pinatawag ng komisyon ay sumipot sa patawag nito.

Kung maaalala, si dating Pangulo “Digong” Duterte noong mayor pa ito ng Davao City ay hinamon ang journalist na si Waldy Carbonell ng duelo sa baril sa plaza ng lungsod. Sumipot si Carbonell, pero walang Digong na dumating.

Hinamon din ni Digong si dating senador Antonio Trillanes sa isang debate, pero umatras din ito nang tanggapin ng huli ang hamon.

Ang isa pang anak ni Digong na si Davao City acting mayor “Baste” Duterte ay naghamon ng suntukan sa noo’y Chief PNP na si Nicolas Torre, pero hindi rin ito sumipot sa inihanda ni Torre na boxing ring sa Rizal Memorial Coliseum. Sa halip nangibang bansa si Baste.

Nasa dugo na talaga yata ng Duterte ang maghamon, na kapag pinatulan ay magpapalusot sa pag-atras. Pero bilib na bilib parin sa kanila ang marami sa ating mga kakabayan ha? Ewan!

***

Sa siyam na buwan na ngayong pagkakakulong ni ex-President “Digong” Duterte sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands, umabot na sa P1.3 billion ang ibinayad o bill niya sa kanyang abogadong si Nicholas Kaufman.

Paano kaya nababayaran ni Digong ng bilyon si Kaufman gayong ang kanyang deklaradong yaman sa kanyang SALN ay P37.7 million lang?

‘Pag bumilang ng taon ang mga pagdinig bago madesisyunan ang kaso ni Digong sa ICC, daang bilyones ang mabubulsa ng kanyang abogado. Kung meron si Digong nito, saan n’ya kaya ito kinuha ang napakalaking halagang ito? Hmmm…

***

Nagbitiw bilang komisyuner ng ICI si Engr. Babes Singson. Very stressfull daw kasi ang trabaho.

Si Singson ay naging DPWH Secretary noong panahon ni late ex-President Noynoy Aquino.

Malaking kawalan ang pagbitiw ni Singson sa ICI, na nasa kainitan na ang pag-iimbestiga sa grabeng mga katiwalian sa flood control projects na kinasasangkutan ng mga kongresista, senador, kontratista at mga opisyal ng DPWH.

Sabi ng ilang political analyst, na-pressure si Singson kaya bumitiw sa ICI. Ilan kasi sa mga iniimbestigahan sa flood control anomalies ay mga kaibigan niya. Mismo!

***

What if si ex-Senator Antonio Trillanes ang ipalit kay Singson sa ICI? Puede!

‘Pag si Trillanes ang napunta sa ICI, malamang maghahalo ang balat sa tinalupan ng mga tulisan ng pondo ng bayan. Tyak na may paglalagyan ang mga Duterte. Peksman!

Mr. President, ipalit n’yo kay Singson si Trillanes. Call!!