Advertisers

Advertisers

Diaz vs Aludo sa quarterfinals ng ITF J30 Manila 2nd leg

0 49

Advertisers

UMABANTE ang Batang Pinoy back-to-back champion Jana Jelena Nicole Diaz sa ITF J30 Manila Manila 2 girls’singles quarterfinal matapos tanggalin ang No.8 Korean Rae Youn Kim, 7-6 (2), 6-4, Huwebes sa Rizal Memorial Tennis Center hardcourt.

Diaz, No. 1 (U16) at No. 3 (U18) sa Philippine Tennis Association (Philta) rankings, makakaharap ang kababayan na si Stefi Marithe Aludo para sa Final Four.

Aludo, ang No. 2 seed, tinalo ang Singaporean Tanisha Kantam, 6-2, 6-2.

Samantala,top seed Tennielle Madis kinalos ang Chinese He Yuling, 6-0, 6-0, para umabante laban sa No. 6 Singaporean Emma Lam Singh,na sinakop ang Taiwanese qualifier Tzu-Yi Hsueh, 7-6 (5), 6-1.

Third seed Korean Seojin Park dinaig ang local Louraine Jallorina, 6-2, 6-9, habang No. 4 Thai Pimlaphat Lim nagwago kontra Taiwanese Meng Tung Chi, 6-2, 1-6, 6-2, para makamit ang quarterfinal slots.

Makakalaban ni Park ang No. 7 Thai Paweenon Nualsri, na tinalo ang pambato ng Taiwanese Pei-Hsuan Chi, 6-1, 7-6 (4).

Lim haharapin ang No. 5 Korean Gyuree Nam, na nakaligtas sa Thailander Pimpisa Wongwanitkajon, 6-1, 4-6, 7-5.

Sa boys’ division, first leg champion Aoi Ishizaki ng Japan nasindak ang third seed Ariyaphol Leekul ng Thailand, 6-2, 6-1.

Ishizaki makakasagupa ang kababayan na si Shun Monetoh, na tinanggal ang No. 8 Ethan Matthew Koh ng Singapore, 6-2, 7-6 (5).

Ishizaki tinalo si Munetoh, 7-5, 6-2, sa final nakaraang Linggo.