Advertisers

Advertisers

JP Licauco pangarap makatrabaho ang mga idols niyang sina Miguel Tanfelix, Marian Rivera, Jackielou Blanco, David Licauco, Jillian Ward at Joshua Garcia

0 64

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ANG baguhang aktor na si JP Licauco, 17 years old, ay tumigil muna sa pag-aaral dahil gusto niyang mag-concentrate sa kanyang showbiz career. Bata palang siya ay pangarap niya na talaga ang pasukin ang mundo ng showbiz.

Panganay si Jp sa kanilang magkakapatid.Kaya tumatayo na rin siyang magulang ng mga ito.Noong nag-aaral pa siya, kapag galing sa school ay inaalagaan niya ang kanyang mga kapatid dahil nagtatrabaho ang kanilang mga magulang.

May maliit silang business, pero hindi sapat. Kaya gusto niyang tulungan ang kanyang mga magulang sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. Kaya nagdesisyon nga siyang mag-artista.

Mula sa probinsiya, kasama ang kanyanag kaibigan ay pumunta siya ng Manila para subukan ang kanyang kapalaran sa pag-aartista.

Nag audition siya sa hangang sa nakuha siya. Sobrang thankful at greatful siya.

Nakapag-guest na si Jp sa mga online shows. At nagkaroon na rin ng appearance sa gag show na Bubble Gang ng GMA 7.

Given a chance, gustong maka-work ni JP sina Joshua Garcia, Jillian Ward, Miguel Tanfelix, Marian Rivera,Jackielou Blanco,at David Licauco.

Ang showbiz crush niya ay si Shayne Sava.