Advertisers

Advertisers

3 BANYAGA NA SANGKOT SA KALAKALAN NG ILLEGAL DRUGS, TIMBOG SA SPD

0 16

Advertisers

BUMAGSAK sa kamay ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) ang isang grupo ng mga bagong nakilalang High-Value Individuals (HVIs) na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga, na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong dayuhan at pagkakakumpiska ng malaking dami ng iligal na droga kaninang madaling araw, December 9,2025.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga operatiba ng DDEU-SPD sa pangunguna ni PMAJ Cecilio Tomas , sa koordinasyon ng DID-SPD at Parañaque CPS Sub-Station 1, noong o bandang 1:43 AM ng Disyembre 9, 2025, sa Room 3310 SBM Condotel, J. Gabriel St., Baclaran, Parañaque City.

Ang tatlong naarestong banyaga ay pawang mga lalaking dayuhan, ay kinilala sa kanilang mga alyas: HOON (46, Koreano, Walang Trabaho), RAPTOR (31, Indonesian, Walang Trabaho), at JAPYO (34, Koreano, Walang Trabaho).

Ang matagumpay na buy-bust operation ay humantong sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang 100 gramo ng Shabu (Methamphetamine) at dalawampung (20) piraso ng hinihinalang Ecstasy tablets. Ang nakumpiskang Shabu ay mayroong Standard Drug Price (SDP) value na Php680,000.00, habang ang Ecstasy pills ay nagkakahalaga ng Php34,000.00.

Sinampahan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) habang inihahanda ang mga dokumento para sa pormal na pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanila.

Bilang tugon sa matagumpay na operasyon, pinupuri ni PBGEN Randy Y Arceo , District Director ng Southern Police District (SPD) ang DDEU at Parañaque CPS para sa kanilang nakatutok at pagbabantay sa pagpapanatiling ligtas ang komunidad. (JOJO SADIWA)