Advertisers
Kahabag-habag naman ang mga senior citizen sa lungsod ng MAYNILA matapos na maudlot ang AYUDA nilang ta-tanggapin ngayong Disyembre.
NGANGA ika nga ang ating mga nakatatanda ngayong KAPASKUHAN na siya pa namang pinakamasayang selebrasyong ginaganap sa buong taon.
Ang mga ito umano ay walang inaakusahan kundi ang tatlong buwan nilang quarterly allowance na P1,500 mula sa lungsod ng MAYNILA.
Sinabi ng mga lolo’t lola na ang kanilang ta-tanggapin sana ay nakalaan lang sa kanilang gamit at konting pang-gastos sa araw ng PASKO.
Mababaw naman anila ang kanilang kaligayahan at kuntento na rin maski papaano sa kanilang tatanggapin na hinintay nila ng mahigit tatlong buwan tapos ay naudlot pa.
Mantakin mong parang pinagkait pa sa kanila ang halagang ito gayong sila daw ay nasa dapit-hapon na ng kanilang buhay.
Ilan birthday na lang nila ang kanilang masasaksihan sa buhay at hindi na rin daw nila alam kung aabutin pa nila ang susunod na PASKO.
Sinabi rin nila na sila ay matagal ng nakapila sa departure area at pa exit na sa mundong ibabaw kung kaya’t kailangan na nilang masama ang lahat ng malasakit at pagmamahal ng sinuman.
Hindi rin nila maiaalis ang kanilang hinanakit sa mga namumuno ng lungsod na kung tutuusin daw ay kayang gawan ng paraan ang kanilang hinaing.
Kung noon daw panahon ng pandemic ay nagawan ng paraan para hindi magutom ang lahat ng Manilenyo, mas lalo nilang kayang ibigay ang karapatan ng mga senior citizen na iilan lang naman.
Ang P1,500 na quarterly allowance na dapat tanggapin ng lahat ng mga senior citizen hindi lang sa MAYNILA kundi kahit na ng buong bansa ay parang alikabok lang kung iku-kumpara sa NINAKAW na P-Trilyon sa kaban ng bayan NG MGA MANDARAMBONG.
Sinabi naman ni Yor-me Oks’ Moreno na naantala lang ang perang nakalaan para dito at pina-pangako niyang ibi-bigay din sa Enero 2026 na meron pang konting tubo at interes.
Idinagdag din ni Yor-me Oks’ na talagang walang mapag-kunan dahil masyadong sinimot ng nakaraang administrasyon ang kaban ng lungsod bagkus ay nag-iwan pa ito ng mga utang at bayarin.
Sinabi naman NG MGA lolo’t-lola na ngayong PASKO nila kailangan ang pera at hindi na kaka-ilanganin sa Enero, aanin pa daw ang damo kung Patay na ang kabayo? he… he… he…
Sa kabila ng lahat, sila ay nagpapasalamat pa rin Kay Yor-me sa tinanggap nilang mga foodpack, mug, cookies at medicine keeper na hindi rin daw nila magagamit dahil wala silang pambili ng gamit.
Ganon pa man, sinabi NG MGA nakatatanda na malakas pa rin ang kanilang konpiyansa at tiwala sa liderato ni Yor-me Oks’ na pinaniniwalaan nilang bumebwelo lang at babawi rin sa kanila sa takdang panahon.
Malamang na tama at hindi kayo nagkakamali sa inyong sapantaha dahil meron namang prinsipyo at paninindigan si Yor-me Oks’ di ba sinabi niyang “In Manila God First” and “Manila Will be Great Again”