Advertisers

Advertisers

PBBM, nagtalaga na ng kapalit ng yumaong si Enrile

0 6

Advertisers

NAGTALAGA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong hanay ng mga opisyal sa Malakanyang.

Sa isang press briefing nitong Martes, ibinunyag ni Palace press officer Claire Castro ang pitong bagong opisyal ng OES sa ilalim ng Office of the Executive Secretary, na ngayon ay pinamumunuan ni Ralph Recto.

Pinangalanan ng pangulo ang abogadong si Anna Liza Logan bilang bagong chief presidential legal counsel, kapalit ng yumaong si Juan Ponce Enrile.



Bago ang kanyang appointment bilang punong abogado ni Marcos, si Logan ay ang Deputy Executive Secretary para sa Legal Affairs ng Office of the President.

Si Atty. Logan ay may napakalawak na kasanayan sa batas sa Civil at Criminal Litigation; Family, Labor and Human Settlements Adjudication Commission Cases, Corporate and Commercial practice para sa financial technology companies, real estate development entities at NGO bilang partner ni Logan Masukat Ronulo Huang, bilang Junior Partner ni Marcos Ochoa Serapio at Tan (MOST), bilang Associate ni Agabin Verzola Hermoso Layaoen & De Castro. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">