Advertisers

Advertisers

‘ZERO BILLING’ SA LGU HOSPITALS – DOH

0 10

Advertisers

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na palalawakin ang zero-balance billing at hindi na lamang ito limitado sa mga ospital na pinapatakbo ng ahensiya.

Sinabi ito ni Health Secretary Teodoro Herbosa kasunod ng pag-apruba ng Senado sa karagdagang pondo sa panukalang Ge-neral Appropriations Bill.

Kapag tuluyang naaprubahan ito, gagamitin ang dagdag na P1 billion na pondo para suportahan ang mga level 3 na ospital na pagmamay-ari ng mga lokal na pamahalaan.



Ayon sa DOH, may mga kondisyon ang pagpapatupad nito kabilang ang sapat na accreditation ng mga Rural Health Units sa PhilHealth YAKAP program at saklaw ng mga pasyente.

Dagdag ng DOH, ang pondo ay iaayon sa populasyon, pasilidad, at uri ng LGU, at ilalabas sa pamamagitan ng mga level 3 DOH hospitals sa rehiyon sa ilalim ng isang legal na kasunduan.



Sa ngayon, mahigit isang milyong Pilipino na ang nakinabang sa zero-balance biling program sa buong bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">