Advertisers

Advertisers

Pari pinatay sa labas ng kotse

0 343

Advertisers

NATAGPUANG patay ang isang pari nitong Linggo ng gabi sa Malaybalay, Bukidnon.
Kinilala ang biktima na si Fr. Rene Regalado, na natagpuang duguan at walang buhay sa labas ng kanyang sasakyan malapit sa Malaybalay Carmel Monastery.
Ayon sa ulat, pabalik na ang pari sa St. John College XXII Seminary nang barilin.
May nakitang contusion sa mata ng pari at baril malapit sa bangkay nito.
Ayon kay Col. Jerry Tambis, hepe ng Malaybalay Police, tinitingnan nila kung may kinalaman ang pagkapatay sa pari sa adbokasiya nito laban sa illegal logging.
Walang nawalang gamit sa pari at wala ring nakitang tama ng bala ang sasakyan.
Sa report, dating nadawit sa sex scandal si Regalado.
Hinihintay ngayon ang autopsy report sa pari.
Nanawagan naman ng hustisya ang Archdiocese of Malaybalay.