Advertisers

Advertisers

BAKIT BAGSAK SI BBM SA SURVEY?

0 49

Advertisers

HINDI mahirap ipaliwanag at unawain kung bakit bumagsak ang rating ni BBM at nanatiling matatag si Sara sa pinakahuling survey. Bumagsak sa -3% ang trust rating ni BBM samantalang nanatili sa 30% ang kay Sara. Palaisipan ang kay Sara dahil walang ginagawa kundi nagmura, bumatikos at nagliwaliw sa ibang bansa, ngunti bakit may ganyan siyang trust rating.

Una, hindi natupad ang ipinangako ni BBM na ipakukulong niya ang mga senador na nasa likod ng pandarambong sa kaban ng bayan kaugnay sa flood control scam. Hindi na nakakulong si Chiz Escudero, Jinggoy Estrada, at Joel Villanueva na pinaghihinalaan na ibinulsa ang daang milyong pisong pondo ng programa sa flood control.

Pero hindi nangangahulugan ito na lusot na ang pinagsususpetsahang mandarambong ng kaban ng bayan. Hindi pa binabawi ni BBM ang kanyang pangako kaya walang dahilan na maniwala ang sambayanan na lusot na ang mga senador na nasa likod ng malawakan at malakihang nakawan sa kaban sa bayan.

Hindi pa tapos ang isyu. Ngunit dapat alalahanin na may poder si BBM bilang pangulo na bansa na iutos ang pagkakakulong ng mga senador. May poder ang Office of the Ombudsman na ayusin ang sakdal na kanilang ihaharap sa mga senador sa hukuman.

May poder si Ombudsman Boying Remulla na ipakulong sina Chiz, Jinggoy, at Joel kaya hindi dapat nag-aalala na walang mangyayari sa nabunyag na usapin. Kung hindi natuloy ang pagpapakulong sa kanila ngayong Pasko, walang dahilan na hindi matuloy ito sa Enero.

Sa sandaling naipakulong ang mga pinaghihinaalang mandarambong na senador, wala kaming nakikitang dahilan kung bakit hindi makakabawi si BBM. Kailangan lang niyang tuparin ang mga binitiwang salita. Hindi namin nakakalimutan ang sigaw ng sambayanan: “ikulong lahat ng mga kurakot.” Umalingawngaw ang sigaw sa bawat sulok ng bansa.

Samantala, may sariling political constituency si Sara. Ito ang mga nahuhuling sektor (backward sector0 ng lipunang Filipino. Kasama na diyan ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo (INC) at mga mamamayan sa Mindanao at Kabisayaan na ihahalal kahit tsonggo basta tatak Duterte.

Madaling silang igupo basta gawin lang ni BBM ang tama. Hindi ang backward sectr ang nagdidikta ng kung ano ang direksyon na tatahakin na bansa. Sila ang latak ng lipunan kaya hindi dapat mabahala sa kanila.
**
HINDI dapat sineseryoso ang may saltik sa utak na mambabatas mula Batangas at Cavite: Mark Barzaga at Lito Leviste. Pilit lang silang nagpapansin sa mga mamamayan kahit pinagtatawanan sila ng sambayanan. Pilit silang gumagawa ng isyu kahit walang dapat pag-usapan. Sa huli, tampulan sila ng masakit na biro at salita ng sambayanan na hindi naniniwala sa kanila.

Hindi na namin tatalakayin kung ano ang mga isyu na pilit nilang isinasaksak sa lipunang Filipino. Sapat na sabihin namin na walang dapat ipangamba sa dalawang may sayad na mambabatas. Hindi sila ang magdadala ng pambansang talakayan.
**
HINDI rin dapat iniintindi ang mga pekeng environmental group sa Zambales. Hanggang hindi nila tinatalakay ang pagpasok ng Tsina sa lalawigan ng Zambales, wala silang karapatang magsalita. Pinakamaigi na huwag silang seryosohin. Masyadong matabil at palalo ang grupong ito pero wala silang ambag sa malayang talakayan.

Mali ang kanilang tahol. Mali ang kanilang tinatahulan. Mali lahat dahil pilit nilang gumagawa ng isyu kahit walang isyu. Samantala, purihin si Kin. Jeff Khonghun na hindi nangiming bakbakan ang Tsina. May lahing Tsino si Khonghun pero Filipino ang tingin namin sa kanya mula ulo hanggang paa. Mabuhay, Kin. Jeff!

***

Email:bootsfra@gmail.com