Mommy Pinty, 20 Years Ng Ginagawa Ang Reunion Ng Gonzaga At Cruz Families Na Sila Ni Daddy Bonoy Ang Punong Abala; Christmas Party Ng WATERPLUS FAMILY Sa Vikings Dinumog!
Advertisers
Ni Peter Ledesma
Last Dec 23, ay super lucky ang pakiramdam ko. Na noong mamasko(yearly) kami ng apo ko na si Yowen kina Mommy Pinty at Daddy Bonoy sa kanilang Taytay Mansion. Nataon na Christmas Reunion Party pala ng partido ni Mommy Pinty na Cruz at Daddy Bonoy na Gonzaga at silang mag-asawa ang punong abala sa okas-
yong ito. At ipinatikim pa sa amin lahat ng apo ko ang lahat ng pagkain sa catering na talaga naman super yummy also all the deserts na gusto mong uulit-uliting kainin. May pa litson rin si Mommy Pinty. At siyempre, pa ang yearly gift niya sa akin at Yowen at ng kanyang Gonzaga family na super fabulous talaga. Tapos, paglabas namin ni Mommy Pinty, ng kanilang fully aircondition na visitors area. Nakita ko ang famous couple na sina Alex Gonzaga at Lipa City Vice Mayor Mikee Morada na kumukuha ng food. Tapos sabi ni Alex sa akin, ay sandali lang at may ibibigay sa akin si Mikee. Ayun na, na-experience ko rin ang pagiging generous ng gwapong VM ng Lipa. Ang showbiz couple na sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano ay may pa noche buena package rin. At sobrang yummy naman ang gift na Ham ni Alex na excited kaming tikman sa aming noche-buena. JOSEPH’S FINE FOODS, yan ang name ng Ham na since 1965 pa.
Going back sa Reunion Party ng Gonzaga at Cruz. Bale 20 years, na pala itong ginagawa ni Mommy Pinty. Kumbaga mga bata pa lang yung mga Pamangkin nila ni Daddy Bonoy. Ngayon ay graduate na at may kaniya-kanya ng trabaho ang marami sa kanila. Pero tuloy pa rin ang pagiging generous ni Mommy Pinty at nagpaulan siya ng libo-libong cash sa kanyang Pa-raffle. At winner ang lahat. See you, next year again my always Mommy Pinty and Daddy Bonoy. And thanks a million for your BIG LOVE always.
***
Sobrang magarbo, rin ang Christmas Party ng WaterPlus Family of Madam Mayora Marynette Gamboa and Direk Efren Reyes, Jr held at Vikings Luxury Buffet sa may Eastwood. Per head rito ay mahigit P2K na. Eh nasa mahigit 100 ang attendees including yours truly at mga celebrties friends at mga artista ni Mayora Marynette sa WaterPlus Productions na sina Rey PJ Abellana, Tanya Gomez, Irene Celebre, Dindo Arroyo, Mitoy Tunying, John Cena, Kate Yalung, at siyempre pa ang house talents ng WaterPlus Productions na BODIES NEXTGEN na lahat ng nagagandahang at sexy members ay present. Infairness naging in-demand sila sa mga show this year at may endorsement pa na Bodies Skin & Beauty. At give aways nila ito sa said christmas party. Nasa party rin si Madelyn Regino, na wife ng namayapang OPM Icon na si April Boy Regino.
Well, na-enjoy naming lahat ang iba’t-ibang delicacies, drinks at desert galore sa Vikings plus bumaha pa ng pa-Raffle na Android TV set na 42 inches, 20 pcs na Airpods Pro 3 at libo-libong cash. At may big announcement si Mayora Marynette na full-blast sila sa 2026. kasama ang house talents nilang Bodies NextGen. Ongoing na rin ang pa-audition nila ng kanilang All-Male Group na siyempre maliban sa gwapo ay dapat magaling kumanta at sumayaw. Bale 8 members ang bubuo sa grupong ito. Yes maraming projects na gagawin ang WaterPlus Productions lalo’t may mga business partners na sila. Kabilang rito ay ang malaking series nilang “Gimikera.”
“Yes para sa Bodies Next Gen by 2026, we start with Gimikera, then we go to another…may ginagawa ngayong kanta si Boy Christoper. Kasi ang title naman ng series, bale Gimikera Series-1. Then titingnan natin kung ano ang pulso ng tao, then magkakaroon tayo ng Series-2, Series-3. Pahayag pa ng Pres at CEO ng WaterPlus Productios na si Mayora Marynette. At dagdag pa niya,
“At saka ang WaterPlus, may sarili nang platform na ilo-launch next year, siguro mga mid of January. So mayroon na tayong sarili, pwede na tayong mag-set-up kung ano man pelikula na gusto nating ipalabas doon. It’s open for everybody, so we also accept movies from different producers.”
At wow sa May 2026 ay may malaking concert rin ang WaterPlus Productions sa Araneta Colesium, chika pa ni Madam Marynette.
“Sa May na ang concert sa Araneta na The Legends with ‘Da Bodies. Malalaman niyo ito very soon, we will have an official presscon niyan. Kasi hindi lang ako ang nag-iisang producer niyan, tatlo kami, it’s really a big one.
“Yung Reunion ng WaterPlus talents, sa first quarter this year ‘yon, sa Araneta rin iyon. Yung Reunion, it will be solely produce by WaterPlus, iyong sa The Legends and Bodies ay 3 kaming producers diyan.”
Para naman sa mga fans, ni the late April Boy Regino sa bansang Japan. Mapapanood niyo na by April or May ang “Idol: The April Boy Regino Story.” Just follow the social media accounts of WATERPLUS PRODUCTIONS, for more Updates.