Advertisers
Ni Camille Guarin
“Imagine, sa tagal-tagal na niya sa industriya, kinakabahan pa rin siya,” ibinahagi ng aktres na si Neri Naig sa kanyang social media post para sa kanyang asawang si Chito Miranda, lead vocalist ng Parokya ni Edgar.
Ani Neri, “Ang dami kong nakikitang nag-upload ng videos mula sa concert ni Yeng, lalo na ’yung part na kaduet niya si Chito. Nakakatuwa! Nire-repost ko nga sa Facebook My Day ko.
“Sa totoo lang, bihira talagang mag-guest si Chito sa concerts ng iba. Mahiyain kasi siya hindi lang halata! Hahaha! Parang naiilang siya kasi feeling niya baka hindi magustuhan ng mga tao ’yung kanta niya. Kaya madalas, nagno-no talaga siya sa guestings, mapa-TV man o concerts.
“Maliban na lang kapag mga kabarkada niya, like Kamikazee. Go agad ’yun! Barkada niya talaga mga ’yun since college, kaya comfortable siya sa kanila.
“Na-guest din si Yeng before sa Inuman Sessions ng Parokya. Napanood ko ’yun at sobrang ganda ng pagkakakanta niya. She really owned the song! Ang galing!
“I like Yeng din kasi sa mga posts nilang mag-asawa, makikita mo kung gaano sila kagaling humawak ng pera. Ang dami nilang investments, especially sa lupa. Nakakatuwa makakita ng mga taong iniisip din talaga ang future nila. May beach house pa nga sila!
“Anyway… ayun lang naman. Natutuwa lang talaga ako na ang daming natuwa nang makita si Chito sa concert ni Yeng.
“Kailangan ko rin kasi minsan i-remind si Chito na magaling siya, na ang gagaganda ng songs nila, at ang daming taong lumaki at gumawa ng memories kasama ang music ng Parokya.
“Imagine, sa tagal-tagal na niya sa industriya, kinakabahan pa rin siya.
“Siguro kaya rin hanggang ngayon, hindi niya tine-take for granted ’yung mga taong nakikinig at kumakanta kasama niya.”
At least, kahit sumikat nang bonggang-bongga si Chito, hindi pa rin lumaki ang ulo niya.
***
Nagsanib-pwersa sina Vice Ganda, Klarisse, Lyka Estrella, Reiven Umali, Ian Manibale, MIAH, at grupong AZTER para ibida ang OPM sa Eurovision stage sa bagong komposisyon ni Jonathan Manalo na “Mabuhay Ang Musikang Pilipino.”
Ang kanta ang nagsilbing opening number sa “Eurovision Song Contest Asia 2026: Philippine Selection Night” noong Agosto 30 sa New Frontier Theater, na pinagsama-sama ang mga artist mula sa iba’t ibang henerasyon at genre para sa isang selebrasyon ng Filipino music at patuloy nitong pag-arangkada sa global stage.
Para kay Jonathan, dala ng kanta ang collective dream ng kapwa Filipino musicians, songwriters, producers, singers, at music fans na makita ang OPM na nagniningning sa buong mundo.
“Music has always been one of the most powerful ways we Filipinos tell our stories, express who we are, and connect with one another. ‘Mabuhay Ang Musikang Pilipino’ seeks to capture that spirit in one collective voice,” pagbabahagi ni Jonathan.
Isa si Jonathan sa mga matagumpay na makabagong Filipino songwriters at record producers na may pinagsamang 10.2 billion career streams at higit sa 100 Gold at Platinum certifications.
Isinulat niya ang “Mabuhay ang Musikang Pilipino” hindi lamang para ipagdiwang ang pagpapakilala ng OPM sa buong mundo kundi para hikayatin din ang kapwa Filipino artists na dalhin nila ang kanilang musika at pagkakakilanlan sa international stage.
“Eurovision has long represented the idea that music can cross borders without erasing national identity. In that spirit, ‘Mabuhay Ang Musikang Pilipino’ offers a distinctly Filipino statement for an international musical platform. Filipino music can be proudly local and confidently global at the same time,” sabi pa ni Jonathan, na nagsisilbing creatives, content, at operations head ng ABS-CBN Music.
Sa Filipino at English lyrics ng kanta, itinampok ng emotional pop anthem ang mayamang tradisyon ng OPM habang isinusulong ang paghahatid ng musika sa bansa at abroad.
Sa pagtatapos na kanta, isang magandang deklarasyon ang hatid nito, “Musikang Pilipino, atin ’to, para sa buong mundo. Mabuhay ang Musikang Pilipino.”
Napapakinggan na ang “Mabuhay ang Musikang Pilipino” sa iba’t ibang music streaming platforms.