Advertisers
Ni Anne Venancio
Masayang ibinahagi ni Lovi Poe ang kaniyang bagong journey bilang isang ina matapos isilang ang panganay nilang anak ng asawang si Monty Blencowe.
Pinangalanan nilang Sloane ang kanilang baby girl, na nangangahulugang “warrior.” Ayon kay Lovi, napili nila ang pangalan dahil gusto niyang lumaki ang anak na matatag, palaban, at hindi madaling sumuko.
Sa ngayon, hindi pa ipinapakita ng mag-asawa sa publiko ang mukha ni Sloane dahil nais nilang protektahan ang kanilang privacy. Gayunman, sinabi ni Lovi na posibleng dumating ang panahon na ibahagi nila sa publiko ang kanilang “beautiful treasure.”
Aminado rin ang aktres na mahirap para sa kaniya ang unang pagkakataong mahiwalay sa anak. Kasalukuyang nasa Amerika si Sloane habang nasa Pilipinas si Lovi para sa ilang commitments.
Ibinahagi rin ni Lovi na hindi agad niya nahawakan ang anak matapos manganak dahil nais niyang makabawi muna matapos ang matagal na labor at komplikasyon sa panganganak.
Kalaunan, naramdaman niya ang tinatawag na “mother’s instinct.”
Para kay Lovi, ibang klase ang pagmamahal na dulot ng pagiging ina—isang damdaming mahirap ipaliwanag at higit pa sa anumang uri ng pagmamahal na kaniyang naranasan.