Advertisers

Advertisers

KRIS AQUINO SPECIAL GUEST NI BOY ABUNDA SA BIRTHDAY EPISODE NG KANYANG TALK SHOW

0 20

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

INANUNSYO ni Boy Abunda na magkakasama uli sila ng kaibigang si Kris Aquino para sa two-part one-on-one interview niya sa actress-TV host na mapapanood sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

Sa nakaraang episode ng nasabing talk show noong October 21, ibinandera nga ng King of Talk na mapapanood na ang muling paghaharap nila ni Kris sa October 28 at 29.

Ito’y bilang bahagi ng week-long celebration ng 61st birthday ni Tito Boy. Ang iba pa niyang mga guest para sa selebrasyon ng kanyang kaarawan ay sina Alice Dixson, Ruffa Gutierrez at Andrea Brillantes.

Nauna nang naglabas ng teaser ang GMA sa social media sa pamamagitan ng artcard na may dalawang trono na may nakasulat na “The King and Queen are Back.”

Naging palaisipan agad ito sa mga netizen, lalo na nang mapansin nila ang dalawang upuang magkaiba ang kulay at ang mga letrang “B” at “K” na naka-highlight sa salitang “BACK.”

Ang hula ng marami ay sina Kuya Boy at Kris ang mga ito pero hindi nga para sa bagong show.

Ayon pa kay Kuya Boy, marami silang napag-usapan ng Queen of All Media, kabilang na ang lagay ng kalusugan nito, mga plano sa pagbabalik-trabaho, at ang posibilidad na muli silang magsama sa isang proyekto.
Bukod sa health update at career plans, tiyak na aabangan din ng mga tagahanga ang mga rebelasyon ni Kris tungkol sa kanyang love life, pananaw sa politika, pati na ang tungkol sa mga anak na sina Joshua at Bimby.

“We also talked about many possibilities about what we can do together, abangan niyo.

“Ang mapapanood niyo ay ang Kris Aquino na na-miss nating lahat — ang Kris na masigla, puno ng buhay, walang tinatago, at napakatotoo,” sabi pa ni Boy Abunda.

“Kris and I are definitely back,” aniya pa.

*****

Nagpaalam na sa ere ang The People Have Spoken, hosted by Heart Evangelista and Sean Lucas.
Taos-pusong nagpapasalamat ang dalawa sa lahat mga tumutok at nakisaya sa bawat episode ng kanilang game show.

Sa last episode ng show last October 17, pasabog ang season finale nang mapanalunan nina Katrina Halili at Kris Lawrence ang P200,000 jackpot prize.

Bago tuluyang magpaalam, nagbigay sina Heart at Sean ng kanilang message para sa People at kung anu-ano ang mga napulot nilang life lesson mula sa programa.

“Magpakatotoo ka, basta mabuti ang iyong puso. Only good will happen to you,” sey ni Heart.

“Hindi hahayaan ng Lord ibigay sa ‘yo ang mga bagay na hindi mo kakayanin. The goodness and the kindness of your heart will always win. Be yourself!” dugtong ng aktres.

Mensahe pa ni Heart, “After 20 exciting weeks and 20 super fun episodes, wala akong masasabi kung hindi maraming maraming salamat. From the bottom of our hearts.
Para naman kay Sean, “Respect everybody’s opinion. Hindi mo alam ano’ng pinagdadaanan ng tao, so just be nice to everyone.”

“We hope na marami kayong natutunan sa ating discussions dahil I myself learned a lot from the People and our celebrity guests.

“Marami rin akong na-share, alam n’yo ‘ya n, masyadong marami. May natuwa, may hindi natuwa, but sa dulo ng lahat, ang importante, may respeto tayo sa isa’t isa.

“Magkakaiba man tayo ng opinyon, I love you guys so much and maraming salamat!” sabi pa ni Sean.

Inanunsiyo ni Boy Abunda na magkakasama uli sila ng kaibigang si Kris Aquino para sa two-part one-on-one interview niya sa actress-TV host na mapapanood sa “Fast Talk with Boy Abunda.”