Advertisers
NAGSANIB puwersa ang tinaguriang big three ng Brooklyn Nets upang iposte ang ika-11 panalo laban sa Miami Heat, 98-85.
Pinamunuan nina superstar James Harden at Kevin Durant ang opensiba ng Brooklyn Nets na umiskor ng tig-20 puntos, habang si Kyrie Irving bumakas ng ng 16 points at walong rebounds.
Liban nito, si Harden, Durant at Joe Harris ay pawang nagbuhos ng tig-tatlong three points shots.
Ang panalo ng Nets ay sa kabila na medyo inalat sina Durant at Harden sa halos tatlong quarters.
Pagsapit ng 4th quarter doon na rumatsada ang Nets para tuluyang ma-sweep nila sa dalawang laro ang minamalas na Heat.
Sinamantala rin ng Nets ang kakulangan pa rin ng players ng Miami tulad nina Jimmy Butler, Tyler Herro, Meyers Leonard, Maurice Harkless dahil sa injury at si Avery Bradley na tinamaan ng COVID-19.
Muling nasayang ang 26 big points, 10 rebounds at five assists ni Bam Adebayo kung saan nalasap ng Miami ang ika-10 nilang talo.
Nito lamang nakalipas na Linggo nagpakita ng career-high na 41 points si Adebayo.
Ang susunod na makakaharap ng Heat ay ang Denver Nuggets sa Hu-webes, habang ang Nets ay dadayo sa Atlanta.