Advertisers

Advertisers

LTO mas palalawigin ang ipinatutupad na ban sa mga e-trike sa mga pangunahing lansangan

0 59

Advertisers

MAS palalawigin pa ng Land Transportation Office (LTO) ang ipinatutupad na ban sa mga e bike at e trike sa mga pangunahing lansangan sa mga susunod na araw.

Sinabi ni LTO Jerome Rodriguez officer 1 nakatakdang maglabas ng bagong panuntunan ang LTO hinggil sa e-bike at e-trike at posibleng ilabas ngayong buwan o sa Pebrero.

Sa ginanap na Quezon City Journalist forum nitong Martes, Enero 13 posibleng ilabas ngayong buwan o sa susunod na buwan ang circular memorandum hinggil sa bagong panuntunan sa e bike at e trike.



“Hinihintay na lamang namin ang pirma ng Department of Transportation bago ilabas ang bagong circular memorandum,” sabi ni Rodriguez.

Ayon sa LTO isa sa mga pangunahing tinitingnang probisyon sa guidelines ay ang pagsasama ng mga light electric vehicle sa opisyal na kategorya ng sasakyan para sa lisensiya.



Kaugnay nito, sinabi ni Marlyn Allanigue ng Philippine Association of LTO Accredited Driving School na nakapagtala ang kanilang asosasyon ng aabot sa 14,000 ang naitalang record sa road crash incident.

Sinabi pa ni Allanigue na dapat ma-regulate ang mga gumagamit ng e bikes at e trikes dahil karamihan sa mga ito ay hindi dumaan sa training at seminar ng LTO sa wastong paggamit ng ating mga kalsada para sa pagmamaneho.



“Dumarami ang mga motorsiklo, e bike, e trikes at mga sasakyang (4 wheel vehicles) at ang volume ng sasakyan sa mga lansangan ay nagiging dahilan ng mga problema sa lansangan,” ayon pa kay Allanigue. (Boy Celario)