Advertisers
NOONG January 9, nasaksihan ko sa isang press conference ang panaghoy at panawagan ng dalawang ina nang ang kanilang pinagkakaingatang mga anak na babae ay naounta sa mga kamay ng mapanglinlang New People’s Army (NPA).
Ang isa sa kanila, na si Jerlyn Rose Doydora, ay napaslangsa enkwenro ng militar at NPA sa may Abra de Ilog, Occidental Mindoro noon lamang 01 January 1. Samantalang ang pamilya ni Stephanie Jhoy Borinaga, ay nalulumbay pa rin sa kanyang pagkawala matapos marecruit ng NPA.
Di na bago, malamang sa inying mga kaalaman ang mga ganitong balita, kaya ang panaghoy ng ina ni Jerlyn Rose, ay nanawagan na sama-sama nating labanan ang pangrerecruit ng NPA sa ating mga kabataan.
Ang pagsali sa Communist Party of the Philippines New People’s Army Democratic Front (CPP-NPA-NDF)., ay hindi “activism”, ang pahayag nga ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa nasabing pulong-balitaan sinabi ni Usec. Ernesto C. Torres Jr., Executive Director, NTF-ELCAC, ang mga ganitong pangyayari ay patunay na ang panghihikayat sa ating mga kabataan ng CPP-NPA-NDF ay walang ibang patutunguhan kung di kamatayan, o’ kaya nama’y pagka-sira ng pamilya.
Ang panawagan ng ina ni Jerlyn Rose aniya, na maipasa na ang ‘Anti-Terror Grooming law’ ay isang pananggalang sa pangloloko sa ating mga kabataan ng CPP-NPA-NDF.
”When a child is groomed into armed violence, the first casualty is the family, and the last wound is carried by the mother,” ang paliwanag ni Torres.
Sa press conference na iyon, naisiwalat ng dalawang ina kung gaano kasakit ang maagaw ang kanilang mga anak ng mga NPA. Ang kanilang mga pahayag ay di lamang dahil sa kalungkutang nadama, ngunit isa rin panawagan, na panagutin ang mga maya sala, at magkaroon ng batas laban sa panlilinlang ng CPP-NPA-NDF sa ating mga kabataan.
Ang panukalang batas na Terror Grooming Prevention Bill ay isang paraan, para matigil ang ganitong paraan ng panloloko sa ating mga kabataan. Nanawagan ako sa ating mga mambabatas na isulong ang pagpasa sa batas na ito.
Kaisa ako ng mga pamilyang Doydora at Borinaga sa kanilang pagdadalamhati at panawagan na wakasan na ang matagaall na panlilinlang ng CPP-NPA-NDF.