Advertisers
ANG natuklasang grabeng anomalya sa flood control funds ay nangyari sa nakaraang administrasyong Duterte, kungsaan napakalaking pondo ang inanod sa bulsa ng mga tiwaling politiko at mga opisyal na pumipirma sa infrastructures, partikular sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Base sa datus, simula nang maupo na pangulo si Rodrigo “Digong” Duterte noong 2016 ay binuhusan nito ng pondo ang pagpapagawa ng mga proyektong panangga sa baha.
Oo! Sa kanyang unang taon bilang pangulo, pinondohan ng Duterte admin ng P64 billion ang flood control, at nang sumunod na taon 2017 ay naglaan ito ng P80, then P141b (2018), P133b (2019), P90b (2020), P101b (2021), at P128b (2022).
Lumiit ang pondo mula 2019 hanggang 2021 dahil nasa kasagsagan ito ng pandemya ng Covid-19, dito nangyari ang ghost projects. Kasi at that time ay ipinagbawal ang mga interactions, paggawa dahil nga sa paglaganap ng covid.
Mostly ng flood control projects sa panahon ni Duterte ay mga kaalyado niya ang bumira, na silang iniimbestigahan ngayon tulad ng kompanya ni ex-Cong. Zaldy Co, Sen. Bong Go, Cong. Edwin Gardiola, Cong. Dong Gonzales, mga private contractor na dikit sa mga politiko tulad ng mag-asawang Discaya, Sally Santos, Wawao Builders, Centerways Construction, New San Jose Builders Inc.
Masyado kasi naging pabaya si Digong sa kanyang administrasyon, ipinagkatiwala niya ang lahat sa kanyang mga katiwaldas, ni hindi tinitingnan kung nagawa nga ba ang proyektong binuhusan ng pondo. Kaya ubod ng yayaman ng mga dumikit noon kay Digong.
Nabuking lamang ito nang makita ni PBBM na sa kabila ng trilyones na pondo sa flood control ay hindi parin napipigil ang malawakang pagbaha partikukar sa Bulacan.
Dito pinakalkal ni PBBM kung saan napunta ang pondo sa flood control. Bingo! Wala palang ginawang flood control, kinubra lamang ang pondo.
At dito rin nabuking na bago pa masimulan ang proyekto ay bawas na ang pondo rito ng halos 30 porsiento, na ayon sa DPWH engineers ay humingi ng kickback o komisyon ang politiko (kongresista, senador pati mga miembro ng gabinete) na proponent o nagbaba ng proyekto.
Sa congressional inquiries, lumabas na halos 60 percent ng pondo sa proyekto ay napupunta lang sa kickback, dahilan para substandard at hindi tama ang daoat na sugat ng proyekto.
Ang mga bagay na ito ay inamin mismo ng DPWH engineers, binunyag din nila ang personal na pag-deliver ng komisyon sa mga kongresista at senador.
Sina Senador Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, Chiz Escudero, ex-Senators Nancy Binay at Bong Revilla ang mga senador na binanggit ng DPWH engineers na nanghingi ng kickback mula 20 to 30 percent.
At sa mga kongresista, si dating Ako Bicol Partylist Zady Co ang pinakamalupit sa kickback, ayon sa DPWH engineers.
Ang mga politiko na ito ay dapat bawian ng kayamanan at makulong ayon sa batas. Say n’yo, bayan?