Advertisers
NASAWI ang isang assistant detachment commander ng Philippine Army nang ba-rilin ng tatlong miyembro ng CAFGU Active Auxiliary (CAA) dahil sa pag-inom ng mga ito. Depensa ng mga sa-larin, hindi nila sinadya at hindi nila target ang biktima.
Sa ulat, sinabing nakabulagta na ang biktima nang matagpuan sa may batuhan sa Patrol Base Macaingalan ng Philippine Army sa Barangay Puray, Rodriguez, Rizal ma-daling araw ng Miyerkoles.
Ang biktima ay miyembro ng 80th Infantry Battalion ng 21st Division ng Philippine Army.
Lumabas sa imbestigasyon ng Rodriguez Police na sisitahin lang ulit ng biktima ang tatlong miyembro ng CAA na madalas mag-inuman nang pagbabarilin siya ng mga ito.
“Bago ho niya sitahin, pinaputukan na po siya ng issued firearms ng suspek. ‘Yung ginamit na baril ng ating suspek ay ‘yung issued firearms niya na M16 at sa dalawa po, lumalabas na ginamit po rin itong pagpapatok ng kanilang issued firearms na M14. Marami hong tama ng bala, halos buong magazine,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Arwyn.
Dead on the spot ang biktima, samantalang nagkalat sa crime scene sa mahigit 20 basyo ng bala.
Ayon sa pulisya, nagkimkim ng galit ang mga salarin laban sa opisyal na siyang dahilan ng krimen.
“May mga insidente po na sinita ng assistant detachment commander ‘yung suspek, nakailang araw at siyempre dinisiplina, binigyan po ng punishment as part of the infraction na ginawa nu’ng CAA. Kinimkim po siguro ‘yung pagdidisiplina sa kanila, sama ng loob at nagkaroon ng pagkakataon dahil base sa imbestigasyon lumalabas na under the influence of liquor po ‘yung suspek,” anang opisyal.
Mismong mga kabaro ng mga salarin ang saksi at nag-ulat sa pulisya ng insidente.
Nadatnan ng mga rumes-pondeng pulis na tulog at nakainom ang mga salarin sa kanilang kubo. Nakuha sa mga ito ang mga ginamit na baril, kabilang ang M16 rifle.