Advertisers

Advertisers

Estudyante kinatay ng kaklase

0 17

Advertisers

KULONG ang 18-anyos na binata na responsable sa pananaksak sa kapwa niya estudyante sa tapat ng Rizal College sa bayan ng Taal, Batangas nangyari noong Martes ng hapon Enero 20, 2026,.
Kinilala ang suspek na si alyas na “Kerk,” 18-anyos, taga Batangas at ang biktima kinilalang si alyas “Vin,” 18-anyos, parehong residente sa kaparehong bayan.
Ayon sa ulat, isang tawag mula sa isang concerned citizen ang kanilang natanggap hinggil sa naganap na pananaksak malapit sa nasabing eskuwelahan na agad nilang nirespondehan.
Lumitaw sa isinagawang Imbestigasyon ng mga awtoridad na nangyari ang insidente bandang alas-3:00 ng hapon, habang nakatayo ang biktima sa tapat eskuwelahan ay nilapitan umano ng suspek ang biktima bago nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pisikal na komprontasyon. Sa gitna ng insidente, bumunot umano ang suspek ng patalim at sinaksak ang biktima ng tatlong beses sa tiyan at mabilis na tumakas ang suspek.
Nadala pa ang biktima sa Our Lady of Caysasay Medical Center sa bayan ng Lemery ng mga nakakita sa insidente subalit idineklarang dead on arrival ng rumespondeng doktor dahil sa tinamong mga sugat sa katawan.
Nadakip naman sa isinagawang sa hot pursuit at follow up operation ang suspek na nakakulong na ngayon sa Taal Temporary Custodial Facility at posibleng maharap sa kasong Murder.(Koi Laura)