Advertisers

Advertisers

ALEX EALA, BUENA MANONG WAGI SA 1ST WTA MANILA OPEN

0 11

Advertisers

SULIT ang big crowd na sumugod sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Maynila para personal na saksihan ang laro ni Tennis icon ALE-XANDRA ‘ Alex’ EALA sa first ever WTA 125 Philippine Women’s Open na ginanap earlier sa RMSC Manila, ng WTA Tennis Tour.

Tinalo ni ALEX si Russian tennis player ALINA CHARAEVA 6-1, 6-2 sa jam-packed na venue na pinuno ng kapwa Pinoy, patunay sa pag- ariba ng Tennis sa popularidad mula sa impressive performances at mga panalo ng Pinay Tennis superstar sa international scenario.

Maraming followers na natawag ang atensyon sa Game 1 second set, nang tumawag ng fault sa serve ng kalaban ang umpire pero very honest si ALEX na nagkorek nito. Humahakot ng fans si ALEX sa local at international level dahil sa simple pero malakas na appeal sa height na 5’9″, gandang Pinay at captivating moves bukod sa husay at dedication sa tennis na nagpakilala sa kanya sa World Stage.

Hindi perpekto ang sinumang atleta at hindi rin solidong panalo sa lahat ng laro, pero laudable na at the young age of 20, maraming tennis champion from different countries na ang pinadapa ng ating Tennis ace at mula sa kasagsagan ng mga laro sa dating rank#75, nasa rank#49 na ang Pinay Tennis superstar.

Marami na po tayong naisulat na naglalakihan at prestigious local and foreign sponsors, na nagtiwala kay ALEX para mai-promote ang kani-kanilang entities na ang bahagi ng financial gains at premyo ay naibabahagi sa charity institutions ng Pinas. Ang fear lang po natin at ng marami, huwag naman sa-nang ma-take advantage sa mga participation ng tennis superstar sa charity para sa mga less fortunate na Pinoy.

Sa gitna ng malawakan at scandalous issues ng corruption topped by ghost projects particularly sa infrastructure involving high ranking government officials, saludo lahat partikular ang mga kapwa Pinoy sa good moves na lalong nagpapatingkad ng po-pularidad ngayon ni ALEX.

‘Yun lang po, tawag-pansin pa rin sa social media ang ilang bashers na mukhang hindi nasisiyahan sa performance at gold awards, karangalang hatid ng galing ni ALEX sa tennis na dating dinededma halos ng marami, good thing kung maging challenge na lang for more victories. Aabangan ang pag-abante ni ALEX sa second round. Well, heartfelt thanks po sa lahat ng Sports officials, sponsors at followers ng ating Athletes. CONGRATS, ALEX at sa lahat ng Atletang Pinoy na nakatanaw sa mga panalo at pagwagayway ng ating Philippine flag sa tune ng Lupang Hinirang! Kudos!

***

JANUARY CHEERS.
HAPPY BIRTHDAY to JEAN P. SANTOS (Bataan), to REIZON F. ANGELES (Olongapo City), and JUN DELA CRUZ (Pritil, Caloocan City). MBTC and Best Blessings!
HAPPY READING!