Advertisers

Advertisers

RITA INAMIN HINDI NA SILA MAGKAIBIGAN NI KEN

0 10

Advertisers

Ni Beth Gelena

Tahasang sinabi ni Rita Daniela sa isang panayam na “Hindi na kami magkaibigan,” ang tinutukoy niya ay si. Ken Chan, ang partner niya noon sa isang teleserye Ken Chan.

Ang Kapuso aktor ay kasalukuyang nagtatago sa ibang bansa dahil sa kaso niyang estafa.

“Wala na kaming komunikasyon ngayon, pero umaasa talaga ako na magiging maayos ang lahat. At ipinagdarasal ko siya at ang kanyang pamilya.”

Natanong kasi ang Kapuso aktres kung may komunikasyon pa ba sila ng dati niyang ka-love team?

Aniya, “No, I don’t. We’re not friends anymore.”

Magkagayunman, nalulungkot ang aktres sa pagkakasangkot ni Ken sa kasong syndicated estafa case sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Pakli niya, “Siyempre naman. Siya ang matalik kong kaibigan. Isa siyang napakaespesyal na tao para sa akin. But, yeah… I hope na maging okay din siya, you know. At ang buong pamilya niya. Ipagdarasal ko siya.”

Nasorpresa raw si Rita nang pumutok ang balitang ito tungkol kay Ken.

“But I don’t know kasi feeling ko, kahit malaman ko rin naman nang maaga, makakatulong ba ako? Parang hindi na rin ata.
“Kaya, sa tingin ko ang pinakamagandang magagawa ko para sa kanya ngayon ay ang ipagdasal siya. Iyon lang. Iyon lang. Iyon lang.”
Nag-invest ba siya sa negosyo noon kay Ken?
“Hindi pa, pero gagawin ko na sana. Magiging business partners sana kami.”
“But hindi lang naman dahil sa business din. Kasi I’m sure you’re all aware na, di ba, nagkaroon din naman talaga kaming ng personal, not problem, but….”
Nagkagustuhan ba talaga sila?
“Of course, I’m very sad with what happened with us.
“Kasi ilang taon din yun. Ilang taon namin pinaghirapan kung ano yung naabot namin together as RitKen.”

Ritken ang tawag sa tambalan nila noon na Rita at Ken.