Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Ayon kay Rochelle Pangilinan , wala raw talaga sa plano nila na magprodyus ng reunion concert ng Sex Bomb dancers.
Katunayan , hirap pa nga raw sila noon na kumuha ng susugal na produ sa kanilang concert kaya naisip nila na sila-sila na lang ang magprodyus ng show.
Dagdag pa niya, struggle rin daw sa kanila na tipunin ang mga miyembro ng grupo lalo pa’t may kanya-kanya na silang pinagkakaabalahan sa buhay.
Sa interview din sa vlog ni Karen Davila, sinabi niya na isa sa naging motivation sa kanya na i-push ang show ay para may patunayan sa anak.
Fan daw kasi ng all girl group na BINI ang anak na si Shiloh.
Pagbabahagi pa niya, sinabi raw niya sa anak na dati siyang lider ng phenomenal dance group ng EB pero hindi raw ito naniniwala.
Katunayan , minenos daw siya ni Shiloh at sinabihang “You will never be a BINI, Mommy.”
Nasaktan daw siya at napaluha sa sinabi ni Shiloh kaya naman naging pursigido siya na i-push ang kanilang show.
Masaya naman siya dahil sobrang successful ang kanilang show.
Katunayan , nagkaroon pa raw ito ng repeat.
Sa kasalukuyan ,naghahanda na rin sila para sa kanilang succeeding shows na selling like hotcakes.
Nagpapasalamat naman si Rochelle sa naging suporta ng kanyang mister na si Arthur Solinap.
Bagamat mahirapan daw siya sa kanyang iskedyul, wala raw siyang nakinig na panunumbat sa kabiyak na siyang nag-aasikaso ng pangangailangan ng kanilang anak habang abala siya sa rehearsals.