Advertisers

Advertisers

INTEL CHIEF NG AFP SINIPA NI LORENZANA SA MALI- MALING LISTAHAN NG NAHULI AT NAPATAY NA NPA!

0 237

Advertisers

SINIBAK na sa puwesto ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mataas na opisyal ng intelligence ng Armed Forces of the Philippines na gumawa ng palpak na listahan ng mga nahuli at napatay na estudyante ng UP na sumanib sa New People’s Army.
Ang sinibak ay si Major Gen. Alex Luna, ang Deputy Chief of Staff for Intelligence J2 ng AFP.
Ayon kay Lorenzana, ang kontrobersiyal na listahan ay nagmula sa tanggapan ni Luna.
“His negligence only shows a lackadaisical attitude towards his job resulting to confusion and damage to reputation. We do not take these offenses lightly and I want to hold the people involved accountable,” ani Lorenzana.
Sinabi ni Lorenzana na ang pag-alis kay Luna ay epektibo nitong Enero 28, 2021.
Humingi na ng paumanhin ang AFP sa hindi sinasadyang pagkakasama ng mga pangalan sa listahan ng mga dating estudyante ng UP na ‘di umano’y sumapi sa NPA at napatay o nadakip sa mga engkwentro.
Ang naturang listahan ay pinost sa website ng AFP matapos putulin ni Lorenzana ang kasunduan sa pagitan ng UP at DND na nagbabawal sa militar na basta lamang papasok sa UP campuses.
Kaagad ding binura ang listahan nang lumabas ang mga abogado, mamamahayag at manunulat na dating estudyante ng UP na sila’y buhay na buhay at hindi kailanman dinakip o sumapi sa NPA. (Mark Obleada)