Advertisers
IKINAKASA na ng Malakanyang ang executive order para sa price cap sa baboy at manok.
Pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, bagama’t hindi pa pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EO ay posibleng ilalabas ito ng Malakanyang sa mga susunod na araw.
Una rito ay mariing kinondena ng mga mamimili ang mataas na presyo ng baboy at manok sa gitna ng pandemya sa COVID-19.
Bunsod nito ay agarang inirekomenda ng Department of Agriculture kay Pangulong Duterte na maglabas ng EO para makontrol ang presyo ng baboy at manok. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)