Advertisers
MULING pinatunayan ng pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang pangako sa mga magsasaka sa pamamagitan ng mahigit ?63 bilyong inilaan para sa mga proyekto ng National Irrigation Administration (NIA).
Aba’y layunin nitong palakasin ang irigasyon, dagdagan ang ani, at bigyan ng modernong kagamitan ang mga magsasaka sa buong bansa.
Hindi lamang pondo ang ipinapakita dito kundi konkretong hakbang upang masiguro ang mas maayos na produksyon sa bukirin.
Siyempre, kabilang sa mga programang isinusulong ang Mahayag Dam sa Zamboanga del Sur at mga solar-powered pump irrigation projects na magbibigay ng sapat na suplay ng tubig para sa mga pangunahing pananim.
Bukod sa irigasyon, may nakalaan ding mahigit ?33 bilyon para sa farm-to-market roads ngayong taon at ?731 milyon para sa Small Scale Irrigation Projects.
Malinaw naman na layunin nito na mas mabilis na maihatid ang ani mula sa bukid patungo sa pamilihan, lalo na sa mga lalawigan kung saan maraming rehistradong magsasaka sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).
Nagpaalala naman si PBBM sa mga magsasaka na sulitin ang mga oportunidad na ibinibigay ng gobyerno.
Tama nga naman ang Pangulo.
Ang paggamit sa modernong makinarya, kaalaman, at teknolohiya ay direktang makakatulong sa mas mataas na ani at mas maayos na kabuhayan para sa kanilang pamilya.
Higit pa rito, hinihikayat din ang kabataan na maging inspirasyon ang mga magsasaka at maglingkod sa agrikultura.
Sa pamamagitan ng mga programang ito, lumalakas hindi lamang ang sektor ng agrikultura kundi pati ang food security at ekonomiya ng bansa.
Makikita ang malinaw na mensahe na ang bawat magsasaka ay may kasiguruhan ng suporta tungo sa masaganang ani, matatag na kabuhayan, at maunlad na kinabukasan.
Sabi nga, nababanaag na ang Bagong Pilipinas.
Ito ay isang hakbang ng pamahalaang Marcos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa tunay na pundasyon ng ating agrikultura.
***
Catch Gilbert Perdez’s “Barangay 882” radio show every Saturday from 4:00 PM to 5:00 PM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ AM Radio, DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ ON-DEMAND on YouTube. You can contact him via email at gil.playwright@gmail.com or through this number: 0991-3543676.