Advertisers

Advertisers

Hanggang kailan ang pamapayagpag ng mga “filibustero” sa ating Senado at ang pagpapaigting ng Anti-Political Dynasty Law

0 1,566

Advertisers

Sa itinagal ng panahon na natutong mamulitika ang Pilipino, laging ang pulitiko ang nakakalusot sa mga gawaing kurap, pandarambong at pangaabuso sa kahinaan ng mamamayang Pilipino—bago pa man ang halalan hanggang sa sila ay maluklok sa puwestong ninasa upang”umano’y pagsilbihan daw ang mga mamamayan” —kaipala’y magnanakaw lang sa kaban ng bayan hanggang sa kanyang termino ay natapos, kwidaw nakahelera pala ang asawa, anak at lahat ng kaanak na susunod sa mandarambong na pulitiko!!!

Sa bibig ng pamosong American tv host and comedian Steve Harvey una kong narinig ang hanggang ngayo’y mga salitang kahit mo itikum ang bibig ay lalawit at maririnig pa rin sa buong mundo: ONLY POLITICIANS GET RICH—BECAUSE THEY STEAL THE OPLE’S MONEY!

Sa kabila nito maraming pulitiko ang nabubuhay pa sa ngayon partikular na sa Senado ang di-mapigil ang panggigil na sa buhay at kamatayan ay ipaglalaban nila sa pamamagitan ng pagpi-filibustero sa tuwing ang issue ng West Philippine Sea ang interes ng Tsina—ito ay sa kabila ng pananakit at pambubulyaw at pagkakanyon ng tubig dagat sa ating mga mangingisda sa WEST PHILIPPINE SEA at karatig na pinangingisdaan na anyong lupa at isla na ilan taon nang naigawad sa atin ng pagmamay-ari nito sa bisa ng Arbitral Ruling ng UNCLOS.

Ang katawagan sa kanila ng mga nagugulumihanang netizen at pati na ang mga nagsunog ng kilay upang ipaglaban ang ating soberenya at matagumpay na ipinanalo sa arbitral tribunal ng UNCLOS (United Nations Council on the Laws of the Sea) ay Chinators na sa huling tala ng netizens ay siyam (9).

Ang ilan sa kanila ay sila ring mga nagsipagkuntsaba upang hadlangan ang naunang impeachment case laban kay VP Sara Duterte Carpio nitong nakaraang taon nang si Chiz Escudero ang pangulo ng Senado. Alam ng lahat na ang kasong ito ni Duterte-Carpio ay binraso ng mga ito upang tumagal at madiskaril ang proseso mula sa Kongreso hanggang sa pagtawid nito sa Senado.

Nitong huli, isang matapang at magiting na public servant ng Lungsod ng Pasig, ang edukadong batambatang lingkod bayan Mayor Vico Sotto ang ngayo’y nagunguna sa mga pulong-pulong sa pamahalaang lokal at sinusuportahan ang pagpapasa sa Kongreso ng Anti-Dynasty Bill—isang panukalang batas na di na kaila sa mamamayan sapagkat nasasaad na sa ating Konstitusyon na ito ay ipinagbabawal—ngalang at sadya yatang di matay-isipin na ipasunod ng mga hidhid at power greedy na nakaupong mga pulitiko. Ang hakbang na ito na umaani na ngayon ng atensyon sa dalawang sangay ng lehislatura, sa social media at sa radio at television ay nakikita at inaasahan maipagtatagumpay na bigyan bisa at maipatupad lalo pa’t ang Malacanang mismo ay sumasangayon to once and for all put a stop to the proliferation of political clans who are monopolizing power and wealth of the country.

Ang West Philippine Sea ay sa Pilipino…sa ating mga Pilipino—hindi sa mga banyagang singkit at kanilang mga “agent” na nakapasok na bilang Trojan horses sa kaibuturan na ating pamahalaan lalong lalo na sa pulitika.