Advertisers

Advertisers

Mark Herras tinawag na tanga at inutil ang mga nagkakalat na wala siyang trabaho

0 20

Advertisers

Ni Anne Venancio



Binuweltahan ni Mark Herras ang mga kumakalat ng maling balita na ang dahilan ng kanyang pag-iyak sa Instagram ay kawalan ng trabaho.

Sa kanyang Facebook post noong Pebrero 10, tinawag niyang “tanga” at “inutil” ang ilang content creators na umano’y nag-imbento ng kuwento para lamang sa kanilang videos. Nilinaw ni Mark na ang umiiyak siyang video ay dahil sa personal na problema.



Aniya, may mga proyekto pa siya sa GMA 7 at sa BuenasPH, kaya mali ang haka-haka na wala siyang trabaho. “Yung post ko na umiiyak eh tungkol sa personal na problema! Wag kayong tanga at mahilig gumawa ng kwento para lang sa content nyo,” ayon sa aktor.

Samantala, thankful si Mark na klik umano ang negosyo niyang karne at aquaculture. Bukod sa pagiging franchisee at brand ambassador ng Farmer’s Meatshop sa Malate, Manila, may bagong branch na ito sa sa Cavite at nakatakdang magbukas sa Quezon City at Bulacan.
Tutok din ang aktor sa live crayfish farming na may pasilidad sa Amadeo, Cavite, Pangasinan, at Bulacan.