Advertisers

Advertisers

Sanya Lopez bigay ng misteryosong dyowa ang suot na diamond ring

0 29

Advertisers

Ni Anne Venancio

Inamin ng Kapuso actress na si Sanya Lopez sa panayam sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ na ipinakilala na niya ang kanyang misteryosong dyowa sa ilang malalapit na kaibigan sa showbiz na sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, at Gabbi Garcia dahil matagal na umanong inaabangan ng mga ito ang kanyang lovelife.



Sa ngayon, mas pinipili umano ni Sanya na maging pribado ang kanilang relasyon. Darating din ang tamang panahon para mas makilala ng publiko ang kanyang kasintahan. Inilalayo raw muna niya ito sa matinding atensyon.

Inamin din ng aktres na ang suot niyang diamond ring ay isang promise ring, bilang simbolo ng kanilang kasunduan at pagmamahalan. Naniniwala si Sanya na mahalaga ang privacy sa relasyon upang mapanatili ang katahimikan at respeto sa isa’t isa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">