Advertisers

Advertisers

Kim Molina, certified free diver sa pre-wedding film nila ni Jerald Napoles

0 16

Advertisers

Ni Anne Venancio



Marami ang namangha sa pre-wedding film nina Kim Molina at Jerald Napoles na pinamagatang A Mermaid’s Dream. Ipinakita sa video ang kakaibang konsepto sa ilalim ng dagat, kung saan ginampanan ni Kim ang papel ng isang sirena habang si Jerald naman ay diver.

Agad namang umani ng positibong reaksyon mula sa mga netizens ang video, lalo na sa malikhaing tema at sa paglalantad ng kwento ng kanilang relasyon sa mga nakaraang taon.



Nilinaw ni Kim na totoong underwater ang mga eksena at hindi gawa ng artificial intelligence. Dumaan siya sa masusing pagsasanay bilang isang certified free diver at mermaid performer upang maisakatuparan ang naturang konsepto.

Nakatakdang ikasal ang dalawa sa Marso 1, 2026. Matatandaang nag-propose si Jerald noong Agosto 2024 sa mismong entabladong pinagtagpuan nila 10 taon na ang nakalipas, na isa sa pinakamahalagang bahagi ng kanilang love story.