Advertisers

Advertisers

Eala pasok na sa main draw ng Dubai Open

0 20

Advertisers

Maglalaro na sa main draw ng WTA 1000 Dubai Duty Free International Tennis Championship si Pinay tenni star Alex Eala.

Inanunsiyo ng organizers na mula sa qualifying draw ay na-upgrade na si Eala sa main tournament.

Isinagawa ang anunsiyo matapos na makamit ng 20-anyos na si Eala ang ranked 40 sa Women’s Tennis Associaton (WTA).

Nangangahulugan ito na may tsansa ito ng makaharap ang ilang mga malalaking pangalan sa tennis.

kinabibilangan ito nina world No 1. Aryna Sabalinka ng Belaruz, No 2 Iga Sweatik ng Poland at No.3 Elena Rybakina ng Kazakhstan na siyang nagkampeon sa Australian Open noong nakaraang buwan.

Ang torneo sa Japan ay siyang pangalawang laban ni Eala sa United Arab Emerates matapos ang WTA 500 sa Abu Dahbi Open kung saan umabot siya sa singles quarterfinals.