Advertisers

Advertisers

JOJO MENDREZ PABULOSO AT GENEROUS

0 20

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

Nang nag-celebrate kamakailan ng kaarawan ang kasama sa panulat, at presidente ng Philippine Movie Press Club na si Fernan de Guzman, ay naging bisita niya ang mahusay na singer na si Jojo Mendrez.

At bongga ang regalo ng tinaguriang Revival King kay Fernan huh! Tumataginting lang naman na 60,000.00.

Pero bago natanggap ‘yun ni Fernan, ay pinapili muna siya ni Jojo sa apat na envelope na may nakasulat na malalaking halaga bawat isa sa loob.

Ang pinili niya ay ‘yung envelope number 3. To his surprise, ang nakasulat doon ay 50k. Siyempre, sobrang natuwa si Fernan a.k.a. Miss F sa showbiz. At ang lalo pa niyang ikinatuwa, ay dinagdagan pa ‘yun ni Jojo ng 10k. Katwiran kasi niya, ay 60 years old na si Fernan kaya dapat ay 60k ang matanggap nito.

O di ba, sobrang pabuloso at generous talaga si Jojo? Marunong siyang mag-share ng blessings. Kaya naman super blessed siya.Successful siyang singer at patuloy ang dating ng mga biyaya sa kanya,

Samantala, may bagong ire-record na awitin si Jojo, na isa na namang revival. Ito ay ang Yakap, na pinasikat noon ni Junior.