Advertisers

Advertisers

Paulo pumalag sa stalkers

0 19

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Pumalag si Paulo Avelino sa mga taong nang-i-stalk sa kanyang privacy.

Sa tweet niya sa kanyang X social media account, ini-reveal pa niya ang identity ng mga taong nagmamatyag sa kanya.

Hirit niya, ilang araw na rin daw siyang minamanmanan ng nasabing stalkers kaya tinabla na niya ang mga ito.

Sey ni Pau: “Since ilang araw niyo rin naman na kinukunan ng picture and video yung labas ng bahay namin , okay lang naman din siguro na i-post yung picture niyo para patas lang.”

Umani naman ng samu’t saring reaksyon sa netizens ang nasabing hanash ng aktor.

Ito ang ilan sa kanilang reaksyon.

“Omg respect po sa privacy ni Pau.”

“There’s always a limit or boundaries for being a fan sa mga ganitong galawan always a No! No! Mga content creator yata mga yan”

“Stalking na yan. Pwede nang makasuhan yan.”

“Go Paulo!! Deserve macall out mga iyan!! Pablotter mo n rin para matuto.”

“OMG..umabot na sa ganoon?!!”

“isinasabuhay yung movie mo pau .”

“Naku bumuga na ng apoy ang dragon…konting respito lang po may privacy din yung tao wag naman pong umabot sa ganyan..makontento na po tayo sa mga nakikita natin..hindi na po yan normal..”

“yan tuloy wala kasing mga buhay na kanila nakapag saing na kaya yan sila sa bahay inuuna talaga ibang bahay.. sana nag apply nalang maging security guard or maging cctv tapos 24hrs and 365 days nakaabang sa labas “

“Hinahanap yta nila si kim sa bahay para may i content sila at i tsismis”

“Naalala ko tuloy yung palabas mong “Fangirl” pau. Ingat po kayo lagi.”

“Si charlie dizon siguro yan, tumanda lang #fangirl”

“FAN GIRL lang ang atake iykyk. Pasalamat na lang sila at hindi ka kagaya nung Paulo Avelino na napanood ko dun. Boundaries, people.”

“Let’s give them privacy, they deserve personal space and respect. We need to set boundaries as fans. They bring happiness to us, but that doesn’t mean it’s okay to go to their homes or take private photos. Real fans would never invade their privacy. Please be careful our dear Pau”

“Grabe nakakahiya pinag gagawa ng mga to umabot na sa pagiging stalker bigyan mo leksyon mga yan pau para mag tanda mga yan”

“You can sue them for unjust vexation, invasion of privacy. Ask for a restraining order and ask your security where you are living to deny entry to these 2 unseemly character”

“OMG, walang mga respito. Dapat turoan ng leksyon ang mga yan.”