Advertisers

Advertisers

HIGIT 1,000 PARES, SABAY-SABAY NAGPAKASAL SA V- DAY SA KASALANG BAYAN NG CALOOCAN

0 8

Advertisers

I

Mahigit isang libong pares ang nagdiwang ng Araw ng mga Puso bilang mag-asawa matapos idaos ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang taunang Kasalang Bayan sa Caloocan City Sports Complex.

Pinangunahan ni Mayor Dale Along Gonzalo Malapitan ang seremonya ng maramihang kasal, na bahagi rin ng pagdiriwang ng ika-64 na Anibersaryo ng Pagkakalungsod ng Caloocan.



Malugod na tinanggap ni Mayor Along ang mga bagong kasal sa panibagong yugto ng kanilang buhay at hinikayat ang mga ito na maging matatag sa isa’t-isa, lalo na sa panahon ng mga pagsubok sa kanilang pagsasama.

“Congratulations po sa inyong lahat! Ang paalala ko lang po, ang kasal ay hindi parang pagkain na isusubo at iluluwa kapag napaso,” paalala ni Mayor Along.



“Ito po ay commitment na panghabambuhay, walang expiration date, at lalong hindi ito nagtatapos sa pagsasabi lang ng ‘I love you.’ Sa bawat pagsasama, panatilihin ninyo ang respeto sa isa’t isa at igalang ang inyong mga asawa,” dagdag pa niya.

Tiniyak din ng alkalde sa mga mag-asawa na may mga programang nakahanda ang pamahalaang lungsod upang suportahan sila at ang kanilang mga pamilya sa bawat yugto ng kanilang buhay.



“Mula ngayon sa inyong kasal, hanggang sa panganganak, mga serbisyong pangkalusugan, pag-aaral, at maging sa hanapbuhay at trabaho na maaaring kailanganin ninyo, nakaantabay ang mga proyekto ng pamahalaang lungsod upang alalayan kayo sa pagtataguyod ng inyong pamilya,” pahayag ni Mayor Along. (BR)