Advertisers

Advertisers

Extremist conversations nakita sa group chat ng larong Roblox — DILG

0 4

Advertisers

KINUMPIRMA ni Secretary of Interior and Local Government Jonvic Remulla na may nakakapasok nang mga international groomers sa loob ng group chat ng larong Roblox.

Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ng kalihim na nakita nila sa group chat (GC) ng Roblox ang mga extremist conversations na nanghihikayat sa mga manlalaro nito na gumawa ng karahasan.

Ayon pa sa kalihim, ang mga lenggwahe na ginagamit sa nasabing chat ay “criminal in nature” .



Kaya gusto ng kalihim na ma-i-ban na ang ganitong klase ng mga laro na tinatangkilik ng milyong mga kabataan sa Pilipinas.

Nabatid na una nang inihayag ni Remulla na naimpluwensyahan ng ganitong laro ang grade 8 shooter sa Zamboanga City na nagresulta sa pagkakasawi ng isang Grade 10 na biktima nito at ng mismong estudyanteng namaril.



Kaugnay nito iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang mga online groomers na nanghihikayat sa mga menor de edad na gumawa ng karahasan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">