Advertisers

Advertisers

SILG Remulla: Waiver, imbes na search warrant para sa inspeksyon ng mga bahay ng gun owners

0 7

Advertisers

IREREKOMENDA ni Secretary of Interior and Local Government Jonvic Remulla sa Kongreso at Supreme Court na imbes na search warrant ay pagpirma sa waiver para mainspeksyon ang mga bahay o safekeeping facility ng mga gun owners, kahit na may one-day notice lamang.

Ayon kay Remulla, ang nasabing rekomendasyon ay maganda rin para sa mga nagmamaya-ari ng baril at hindi ito para ituring na kriminal ang mga gun owners.

Ang rekomendasyon na ito ay kasunod ng mga nakaraang insidente kung saan ang mga baril ng mga estudyanteng nasangkot sa shooting incident ay hindi naitago ng maayos.



Ani Remulla, dapat may minimum set na standard ng pagtago ng baril para hindi mauwi sa hindi kanais-nais na insidente.

Sakaling maisabatas ito, ang mga mag-a-apply sa License to Own and Possess Firearms o LTOPF ay bibigyan ng waiver na pipirmahan ng mga ito na pumapayag na mainspeksyon at magkaroon ng safekeeping facility ang kanilang mga baril.



Layon nito na matiyak na wala nang access sa mga baril ang mga anak, menor de edad at sinuman.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">