Advertisers
Si Tallulah Proulx, na 17 anyos ay isa sa mga pinakabatang kalahok sa larangan, ay buong pagmamalaking nanatiling nakaapak sa kanyang mga paa sa pagtatapos ng Giant Slalom na event sa Alpine skiing sa ika-25 na Winter Olympics nitong Linggo.
Naitala si Proulx bilang isa sa apat na 17 anyos mula sa 76 na babaeng kalahok ngunit nagawa niyang matapos ang kanyang dalawang run habang ang iba ay nabigo.
“I finished,” the skier,Wika ni Proulx na pinanganak sa United States pero ang ama James,ay lumaki sa Eastern Samar.
Nagkaroon si Proulx ng oras na 1:17.15 sa unang takbo sa iconic na Tofane Alpine Skiing Center, lugar ng 1956 Winter Olympics. Pagkatapos ay nagtala siya ng 1:24.47 sa ikalawang takbo.
Naglakbay ang kanyang mga magulang at kapatid mula Utah upang masaksihan ang kanyang tagumpay.
“It was really cool,” Wika ni Proulx, na may isa pang event,ang women’s Slalom, na nakatakda sa Miyerkules para tapusin ang paglahok ng Pilipinas na suportado ng Philippine Sports Commission sa ilalim ni chairman Patrick Gregorio.