Advertisers

Advertisers

KATANGAHAN NI SARA

0 61

Advertisers

WALANG nakakagulantang, nakakagulat, o kagimbal-gimbal sa huling pahayag ni Sara Duterte na tatakbo siya sa halalang pampanguluhan sa 2028. Hindi nakakagulat ang pahayag ni Sara. Habang tayo ay nag-aayuno bilang pagsunod sa doktrina ng Kristiyanismo, biglang pasok si Sara at buong kabastusan na inihayag ang plano tumakbo sa halalan.

Hindi niya pinalampas ang panahon ng Kuwaresma. Dahil sa likas na bastos, walang modo, at hindi tinuruan ng tama ng kanyang magulang (may ituturo bang maganda si Gongdi?), minabuti niya mamulitika.

Isinabay niya sa Ash Wednesday ang pahayag. Magtatapos ito sa Semana Santa sa susunod na 40 araw. Bukas, mag-uumpisa ang Ramadan ng ating mga kapatid na Muslim. Sadyang walang paggalang sa tradisyon ng mga Kristiyano at Muslim ang may saltik sa utak na si Sara.

Alam ng lahat na may plano siyang tumakbo. Ito ang dahilan na hindi na kakagulat ang kanyang pahayag. Ang tanong ay – mananalo ba siya? O sa maikli, makakatakbo ba siya?

Hindi namin nakikita na makakatakbo si Sara sa 2028. Ang nakikita namin ay puputulan siya ng bagwis ngayon upang hindi makasali sa 2028.

May tatlong impeachment complaint siya haharapin ngayong taon at hindi namin nakikita na makakalusot siya. Hindi siya hawak ang dalawang kapulungan ng Kongreso. Hindi niya maiimpluwensiyahan ang mga ito kahit maraming salaping ninakaw siya, kanyang ama at mga kapatid mula sa kaban ng bayan.

Ngayon, dahil nagpahayag na siya ng kanyang ambisyon, masasabing open target na siya. Maraming batikos ang kanyang aanihin. Hindi siya titigilan ng kanyang mga katunggali upang ganap siyang ilubog sa daigdig ng opinyon publiko.

Marami siya dapat ipaliwanag. Hindi siya makakaiwas sa paghabol sa kanya ng maraming isyu. Ang problema niya ay hindi siya magaling. Wala siyang kasanayan upang magpaliwanag. Hindi siya marunong magsalita sa wikang Ingles at Filipino.

Nakikita ang kanyang kamangmangan sa isyu. Nakukuha lang sa tunog ng kanyang pangalan pero salat sa kaisipan. Sakto ang pagkalarawan ng manunulat na Philip Lustre: “Inferior Davao takbo ng isip. Matalim ang dila pero mapurol ang diwa”. Iyan ang madalas ipaliwanag ng aming mga kaibigan. “Top level na kabastusan sa pananampalatayang katoliko”, ani Efgie, isang kaibigan.

Sa takdang panahon, mawawala si Sara. Hindi namin nakikita na makakalusot siya sa Camara de Representantes at Senado. Malilitis siya at mahahatulan ng guilty. Tatanggalin siya bilang bise president at hindi na makakatakbo sa 2028.

Mahilig lang magsalita ng tapos si Sara. Mahilig magbanta. Pero sadyang hindi magaling. Salat sa anumang kaalamanan.

***

Email:bootsfra@gmail.com