Advertisers

Advertisers

Ash Wednesday hudyat ng Kuwaresma

0 8

Advertisers

Nagsimula na ang hudyat ng pagsisimula ng Kuwaresma kung saan isinagawa ang Ash Wednesday o 40 araw nitong Miyerkoles, Feb. 18 na paghahanda para sa pinakamahalagang gawain ng Simbahan Katoliko.
Naging mahigpit naman ang seguridad na pinatutupad ng Manila Police District (MPD) sa paligid ng mga simbahan partikular sa Minor Basilica of Jesus Nazareno o Quiapo church upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan ng mga deboto sa pagdalo ng banal na misa.
Tuloy-tuloy naman ang misa mula 5:00 ng madaling araw hanggang 7:00 ng gabi.
Pagkatapos ang Misa, nagpapahid ng abo sa mga nakapilang deboto sa labas ng Simbahan .
Ilan lamang sa mga gawain sa pagsisimula ng Kuwaresma ang Paschal Triduum, ang Pasyon, Pagkamatay at Muling Pagkabuhay ni Hesus, na nagsisimula sa Huwebes Santo, Biyernes Santo at nagtatapos sa Linggo ng Pagkabuhay.
Kaugnay nito, nanawagan sa mga Katoliko ang Simbahan na muling sariwain ang kanilang pananampalataya at maghanda para sa muling pagkabuhay ni Hesus sa pamamagitan ng panalangin, pag-aayuno, at kawanggawa.( Jocelyn Domenden)