Advertisers
PINADAPA ng Pinoy tennis sensation na si Alex Eala ang ilang malalaking pangalan sa tennis. Ngunit ang isa na ito ay espesyal.
Nakamit ng World No.40 Eala ang kanyang spot sa quarterfinal round ng Dubai Tennis Championships matapos ang kapana-panabik na paghiganti sa No.32 Sorana Cirstea ng Romania, 7-5, 6-4, Huwebes (Manila time).
Natalo si Eala sa Romanian sa three sets sa 2024 Mutua Madrid Open.
Gayunpaman, ang 20-anyos na si Eala ay kailangang malampasan ang isa pang mahirap na kalaban habang haharapin niya ang World No. 4 na si Coco Gauff ng Estados Unidos sa susunod na round.
Ipinahayag ni Eala ang kanyang kasiyahan laban kay Gauff, ang kanyang katuwang sa doubles sa 2025 Italian Open.
“I think I’m in a good path, if I continue like this. The next match will be great. I’m looking forward to it,” Wika ni Eala.
Si Gauff ay 21 taong gulang, may 11 beses na kampiyon sa WTA singles, at may 10 titulo sa WTA doubles.
Naabot niya ang pinakamataas na ranggo sa karera sa singles na World No. 2 at siya ang pinakabatang manlalaro sa 2024 WTA Finals sa Riyadh, Saudi Arabia, kung saan napanalunan niya ang titulo noong siya ay 20 taong gulang.
Magtatagisan sina Eala at Gauff para sa semifinals alas 11 ng gabi.