Advertisers

Advertisers

Mayor Vico Sotto naghain ng reklamo sa Comelec laban kay Sarah Discaya

0 58

Advertisers

PERSONAL na nagtungo nitong Huwebes si Pasig City Mayor Vico Sotto sa Comelec Political Finance and Affairs Department upang magsampa ng reklamong election overspending at perjury laban sa kontratistang si Sarah Discaya, na tumakbo rin bilang alkalde ng kanilang lungsod.

Pahayag ni Sotto, lumabag si Discaya sa mga regulasyon ng Comelec hinggil sa tamang paggamit ng campaign funds.

Binanggit din ng alkalde na may mga hindi tugmang impormasyon sa mga dokumentong isinumite ng kanyang katunggali, dahilan upang magsampa siya ng kasong perjury.



Matatandaang si Discaya ay Chief Financial Officer ng St. Gerard Construction General Contractor and Development Corp., at naging sentro ng kontrobersya noong nakaraang halalan sa Pasig.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">