Advertisers

Advertisers

PRES. BBM LILIGAWAN SI LENI PARA SA 2028?

0 50

Advertisers

TUTULAK patungong sa Naga City, Camarines Sur si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Sabado, Pebrero 21, 2026, upang personal na masuri ang ipinatutupad na Oplan Kontra Baha ng pamahalaan sa Bicol Region.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, kasalukuyan nang nagtatrabaho sa lugar ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang linisin ang mga estero, kanal, at ilog.

Aniya, layunin nito na mapanatiling tuloy-tuloy ang daloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha sa lungsod at karatig na mga lugar.



Ang Oplan Kontra Baha ay bahagi ng mas malawak na hakbang ng pamahalaan na sinimulan sa Metro Manila noong nakaraang taon habang naikasa na rin ito sa Iloilo City at iba pang lugar sa bansa upang masiguro ang kaligtasan ng mga komunidad tuwing panahon ng malakas na ulan at bagyo.

Hindi pa malinaw kung may iba pang aktibidad si Pangulong Marcos sa Naga maliban sa pagsilip sa Oplan Kontra Baha, lalo pa’t makakasama niya sa lungsod si Mayor Leni Robredo.



Ani Castro, abangan na lamang ang magiging schedule at mga susunod na hakbang ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa lugar. Ito rin ay pagkakataon para masubaybayan ng publiko ang implementasyon ng mga programang pangkalikasan at pangkapaligiran sa Bicol.

Samantala, patuloy na namumuo ang usap-usapan tungkol kay Mayor Robredo, na lumulutang sa pulitika bilang isang maingay na pangalan, lalo na sa konteksto ng mga balitang posibleng pantapat kay Vice President Sara Duterte sa 2028 presidential elections. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">