Advertisers

Advertisers

Revilla, naghain ng petition for bail sa kasong malversation

0 45

Advertisers

KINUMPIRMA ni Atty. Dennis Pulma, ang executive clerk of court ng Sandiganbayan 3rd Division na naghain ng petition for bail si dating Senador Bong Revilla para sa kasong malversation kaugnay ng P92.8-M flood control project sa Pandi, Bulacan.

Sa March 6 pa magsisimula ang pre trial conference sa malversation case ni Revilla dahil naantala ang arraignment o pagbasa ng sakdal laban sa kanya.

Pagkatapos ng pre trial conference saka lamang itatakda ng korte kung kailan magsisimula ang bail hearing.



Pero sa nakaraang pagdinig sinabi na ng korte na gusto nilang matapos ito sa loob ng tatlumpung araw.

Nitong Biyernes ng umaga isinagawa ang pre trial conference sa Sandiganbayan 6th Division para sa kasong graft ni Revilla at iba pang mga akusado.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">