Advertisers

Advertisers

Robin Padilla sa ICC prosecutors: ‘Nag-aaral ba kayo ng batas?

0 58

Advertisers

BINATIKOS ni Senador Robin Padilla ang Prosecution ng International Criminal Court (ICC) matapos nitong tutulan ang kahilingan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na isuko ang kanyang karapatang humarap sa mga pagdinig ng tribunal para sa confirmation of charges laban sa kanya kaugnay ng kanyang kampanya laban sa droga noong siya ay nanunungkulan.

“E karapatan ng accused yun. Akala ko ba itong prosecution e…nag-aaral ba kayo ng batas?” pahayag ni Padilla sa virtual press conference nang tanungin kaugnay sa naturang isyu.

“Karapatan ng accused yun kung ayaw nyang humarap e lalong lalo na matanda na siya. Karapatan niya yun, human rights. Lahat ng klase ng law pwede niyang gamitin para hindi sya lumabas dyan,” punto ni Padilla.



Partikular na binigyang-diin ni Padilla kung paano maaaring mag-react ang mga Pilipino kapag nakita nila si Duterte sa korte.

“Sasabihin na namang matanda na. Yung hitsura ni Digong gagawing kalokohan. E naku, alam na ho natin yun,” saad ng senador.



Matapos nito, hinimok ng senador ang ICC na payagan na lamang ang mga abogado ni Duterte na humarap sa confirmation hearings na nakatakdang simulan sa Pebrero 23. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">