Advertisers

Advertisers

Jodi magiging abay sa kasal ng ex

0 57

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Trending ang kumalat na TikTok clip ng ex ni Jodi Sta. Maria na si Pampi Lacson kasama ang partner nitong si Iwa Moto.

Sa video, inanunsyo niya na sinagot na siya ng dating Kapuso actress.

Mensahe niya: “And she said Yes to me. Love you mahal @iwamoto.”

Marami naman ang kinilig sa announcement niya ng kanilang engagement.

Sa naturang clip, makikita ring idisplay ni Iwa ang engagement ring na bigay sa kanya ni Pampi.

Inulan din ang couple ng congratulatory messages.

Sa comment section naman ay nag-reply si Iwa ng “Always and forever.”

Komento naman ni Jodi:” Life has a beautiful way of unfolding.Congratulations on your engagement Madam and Pampi. Rejoicing with you both! This milestone is truly significant for the whole family!”

Dugtong pa niya: “Handa na po ang susuotin ko.”

Umani naman ng samu’t-saring komento sa kibitzers ang nasabing video nang mapag-usapan sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.

Ito ang ilan sa kanilang hirit.

“Happy for them.”

“For sure, magiging maid of honor si Jodi.”

“Ang awkward lang kung magiging abay ka sa kasal ng ex mo.”

“Love their blended family.”

“Si Jodi, kailan naman kaya ikakasal?”

“Kailan kaya ilalantad ni Jodi si Raymart?”

“Di pa naman siya umaamin.”

“Naku, malabo pa. Hindi pa annulled sina Raymart at Claudine.”

Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagpost si Iwa sa IG ng kanyang sweet message kay Pampi na ganito ang teksto.

“The man who owns my heart. The father of my children. The love of my life….sweet ako mahal kasi malapit na valentines. After valentines d na tayo bati uli…hahaha. I love you mahal @iampampi,” saad ni Iwa.

“Kidding aside i love you mahal. To infinity and beyond,” dagdag pa niya.

Reaksyon naman ni Jodi:”Sweet nýo. Ready na ang gown ko,ha.”

Buwelta naman ni Iwa:: “Huyyy wala pa amor, alam mo naman ikaw ang isa sa mga mauunang makakaalam.”