Advertisers

Advertisers

PNP: Nasa bansa pa sina Bantag at Atong

0 59

Advertisers

KUMPIYANSA ang Philippine National Police (PNP) na nasa bansa pa ang 2 high-profile wanted persons, sina dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag at gambling tycoon Atong Ang.
Ayon kay PNP Chief, General Jose Melencio Nartatez, Jr., malabong bumalik si Bantag sa Cordillera, taliwas sa unang nabanggit ni Secretary of the Interior and Local Government (SILG) Jonvic Remulla na itinatago ito ng tribu sa kabundukan.
Tiniyak ni Nartatez na may nakalatag ng plano ang PNP para mahuli si Bantag pati narin si Ang.
Samantala, ayo, kay Nartatez, hindi bababa sa 10 operasyon na ang kanilang isinagawa para matunton si Ang ngunit ang lahat ng ito ay negatibo.
Hindi naman tumitigil ang pambansang pulisya sa paghahanap sa mga nasabing wanted person.

Dagdag pa ni Nartatez, maglalaan ng 500 hanggang 600 milyong pisong pondo para sa pagbili ng drones, at ito ay manggagaling sa insurance ng mga nasirang aircraft noon.
Layon ng nasabing drones na magamit para sa mga manhunt sa wanted persons.