Advertisers

Advertisers

SK CHAIR HULI SA P2M SHABU

0 51

Advertisers

ARESTADO ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairperson nang mahuli sa buy-bust operation na naglaman ng mahigit P2 milyon halaga ng shabu sa Sara, Iloilo noong Pebrero 20.
Ayon sa pulis, isinagawa ang anti-narcotics operation ng Sara Municipal Police Station at 2nd Iloilo Provincial Mobile Force Company matapos ang limang buwan na intelligence operations.
Nakuha mula sa 26-anyos SK chairperson ang 22 medium-sized sachets ng shabu na may kabuuang bigat na 300 gramo at tinatayang P2.04 milyon ang halaga.
Nakuha rin ang 10 gramo ng marijuana na nagkakaha-laga ng P1,000.
Ang suspek ay kakaharapin ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na may parusang habambuhay na pagkakakulong at P10 milyong multa. (M. Obleada)