Advertisers
Nagsasagawa na ng post-service integrity crackdown ang Philippine National Police laban sa 10 dating opisyal ng ahensiya na sangkot sa sindikato.
Ayon kay PNP chief PGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., inatasan niya ang intelligence and investigative units ng PNP na magsagawa ng masusing beripikasyon laban sa mga nasasangkot.
Aniya, ang post-service integrity crackdown ay kasunod ng mga ulat na ipinarating ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang impormasyon.
“As soon as we learned this report, I immediately directed our Intelligence Group (IG) and the Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) to conduct a deep-dive validation,” ani Nartatez
Maging ang koneksiyon ng mga ito sa loob ng PNP ay tutukuyin. Maaari itong magdulot ng panganib sa organisasyon.
“Sa panig naman ng PNP patuloy ang validation. Ang sinuman na kabahagi ng nasabing syndicate ikaw man ay aktibo, retirado or dismissed na miyembro ng PNP ito ay lahat na mananagot sa batas kapag tayo nakakuha ng mga ebidensya,” ani PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño.