Advertisers

Advertisers

Gumuhong landfill, inisyuhan ng cease and desist order — DENR

0 21

Advertisers

Inisyuhan ng cease and desist order ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang gumuhong landfill sa Rodriguez Rizal.

Ito’y habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at rescue operation sa 2 indibidwal na pinaniniwalaang nalibing ng buhay at isa ang kinumpirmang nasawi sa trahedya.

Sa record ng DENR, apektado ng cease and desist order ang Phase 5 operation ng Green Leap Solid Waste Management Inc.

Matatandaang gumuhong ang landfill nitong Pebrero a-20 at unang naiulat ng Kadamay group na 50 katao ang nalibing ng buhay.

Bagay na agarang pinabulaanan ng lokal na pamahalaan ng Rodriguez Rizal at sinabing isa ang kumpirmadong nasawi at 2 indibidwal ang pinahahanap.

Nagpatupad na din ng “no-entry” policy ang kagawaran para sa kaligtasan ng publiko at nang hindi maantala ang rescue and rehabilitation efforts sa lugar.

Isa ang kumpirmadong nasawi, habang dalawa ang patuloy na hinahanap dahil sa insidente. (Edwin Moreno)