Advertisers

Advertisers

ALEX EALA, HIRIT SA RANK #31

0 27

Advertisers

MULA sa pamamayagpag at dibdibang mga laban ni ALEXANDRA ‘Alex’ EALA sa kasagsagan ng patuloy niyang pag-akyat sa World Stage at stardom ng Tennis, lokal at international, sa Rank #75, proud Pinoy talaga tayo na Rank#31 na ng World Tennis Association (WTA). Yun po ang top Sports news para sa ating mga Proud Pinoy para gumaan ang present corruption issues at iba pang undesirable news. GO ALEX ! CONGRATS!

SIDELIGHTS: NATIONAL ARTIST LAZARO FRANCISCO, BIDA
SA PANITIKANG PILIPINO.
BUONG ningning na ibinandera ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang kontribusyon ni LAZARO ANGELES FRANCISCO, Pambansang Alagad ng Sining sa PANITIKANG PILIPINO sa pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng pagsilang nito.

Ipinanganak sa Sitio Kaparangan, Orani, Bataan (1898-1980) sa magkabiyak na EULOGIO FRANCISCO at CLARA ANGELES,dinala ng kapalaran sa Cabanatuan, Nueva Ecija ang batang henyo sa Panitikan at paghabi ng mga kwento, nobelang makabayan ang mga tema gamit ang malalalim at interesanteng Wikang Tagalog na umakit sa mga mambabasa.

Naging nobelista ng Liwayway Magasin, nagsulat ng nobela mula 1925 hanggang 1962 at Ang kanyang mga obra ay patuloy na inilalathala ng ATENEO Publishing, gamit ng mga mag-aaral at mga mahilig sa pagbabasa ng mga makabulihang nobela. Kinilala siyang ama ng Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA) , itinatag niya(1958).Ilan sa mga tampok niyang nobela ang ‘DALUYONG’, MAGANDA PA ANG DAIGDIG, ILAW SA HILAGA, SINGSiNG NA PANGKASAL, BAYANG NAGPATIWAKAL, AMA, SA PAANAN NG KRUS, mula sa bunton ng kanyang mga obra.

Kabilang sa mga parangal na tinanggap niya ang ‘ Patnubay ng Kalinangan’, (Maynila), ‘Dangal ng Lahi’ (Lungsod Quezon), ‘Republic Cultural Heritage Award’, mula sa pamahalaan, 1970. ‘Tanglaw ng Lahi’ mula sa Pamantasan ng Ateneo de Manila bilang pagkilala sa pag-uukol niya ng buhay at kakayahan na nagtataguyod sa Pilipinismo at pagka-Pilipino. Ilan pang parangal ang ‘Gawad Panitik (National Press Club), Gawad Plaridel’, ‘Balagtas Award’ at ‘Pingkian Award.’

Ang dating CENTRAL WEST SCHOOL sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ay kinilala bilang LAZARO FRANCISCO INTEGRATED SCHOOL (LFIS) taong 19, bilang pagkilala sa husay at dangal ni LAZARO na dating batang mag-aaral nito, ginawaran ng NATIONAL ARTIST AWARD ng Malakanyang taong 2016, proklamsyon Blg. 1824.

Nakikipagsabayan tayo ngayon sa international scenario gamit ang English na International Language, pero ayon sa mga dalubhasa at proud Pinoy, dapat, mas palakasin at ipagmalaki sa buong mundo na may sariling tatak at Wikang ipinagmamalaking SARILING ATIN, ang WIKANG PILIPINO.

Maraming salamat po sa Cabanatuan City Government at Grupong Mason Lodge 53 sa sponsorship ng 128th Birthday Anniversary Event sa LFIS ng aming LOLO SARO.

FEBRUARY CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to fellow Mediamen, Director, now Treasurer JUN MENDOZA, and LEO A. CANLAS (Press Photographers of the Philippines), to MERLIZA G.SARENGA and LINA VIERNES (LFIS). MBTC and Best blessings! HAPPY READING!