Advertisers
Ni Anne Venancio
Ninakawan ang apartment sa Paris ng fashion icon na si Heart Evangelista at ng kanyang ina, si Cecilia Ongpauco, noong nakaraang buwan kasabay ng Paris Fashion Week. Dumalo ang aktres sa Menswear Fashion Week para sa Autumn/Winter at sa Haute Couture Week para sa Spring/Summer, kung saan kabilang siya sa Top 10 Key Voices sa Lefty ranking, na nagpapakita ng malaking impluwensya sa luxury fashion sa Asia-Pacific region.
Ayon sa veteran showbiz insider na si Ogie Diaz, nakapasok ang suspek sa kuwarto ng mag-ina matapos hindi maayos na maisara ang mga kandado ng pintuan. Agad namang tumakas ang kawatan nang tumunog ang alarm ng apartment, ngunit natangay nito ang bag ng aktres na naglalaman ng mamahaling accessories na ginamit sa fashion week events.
Ikinuwento ni Heart na labis na nasorpresa at natakot ang kanyang ina sa nangyaring insidente. “Sobrang shock si mommy,” ani Evangelista. Pinuri rin ng insider ang kalmado at presence of mind ng aktres sa gitna ng pangyayari, na nakatulong upang maiwasan ang mas malalang insidente sa apartment.